Itang & Inang's letter to anak...
Dear Anak,
Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na naminangmga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project nayun. Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA,anak malayo ba yun? Mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla palang namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD nakinakailanganmo sa laboratory nyo. Anak komportable kaba dyan sa boarding house mo san ba kamu yan sa VICTORIACOURT ??? - Maganda ba dyan? Di ba mainit dyan? Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? Napailawnyona ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun? Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay makagradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL??? Sana pag-gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian nating nasa sanglaan. Ay sya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE /MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap kawawa ka naman. Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang peranapambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.
Ang nagmamahal Itang at Inang
P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.




